Promos and Discounts (Student, PWD and Seniors) on Uber

  1. 11 months ago

    FB post from Twinkle Kathlyn Pearl Martinez https://www.facebook.com/groups/101051576907055/permalink/496590180686524/

    Been hearing a lot of rants recently regarding Promos and Discounts (Student, PWD and Seniors)... Please take time to read this post as this post is for both Operator/Driver and Riders).

    Promos... Wala dapat maging issue sa mga promo na binibigay ni Uber sa mga riders. Panghikayat ito ng mga pasahero meaning makikinabang pare pareho. Subsidized ni Uber ang promos so binabayaran ito ni Uber out of pocket sa mga operators/drivers. You can consider PROMOS as Card Payments since sa Payout ito lumalabas. Wag birahin sa rating ang rider kung naka promo dahil wala silang kasalanan dito. (Saka na natin pagusapan ang rating...)

    Student Discounts... Kese hodang kung san lupalop ng maynila mo na pick up ang estudyanteng pasahero mo at kung anomang oras kayo nabook wala tayong magagawa as long as schooldays applicable ang discount. Huwag maging judgemental... Paano kung working student ang naging pasahero mo na kumakayod sa gabi para matustusan ang pag aaral. Paano kung may sinecelebrate ang mga magkakaklase. Paano kung may projects reviews etc. na ginabi na ang estudyante at gustong makauwi ng safe. Huwag magpaka hipokrito, dumaan ka din sa pagiging estudyante.

    Based sa Memorandum Circular 2011-004 ng LTFRB, schooldays lang applicable ang discounts. Supposed to be Sunday and Holidays are not included PERO base sa sagot ni Uber sa mga report, all year round DAW ang student discount. Just in case, ireport pa din and emphasize in your report na according sa Memorandum Circular 2011-004 Schooldays lang applicable ang discounts. HINDI pa po implemented ang ammendment ng batas na ito to apply the discount all year round.

    PWD (Persons with Disability)... Persons With Disabilities include those who have long-term physical, MENTAL, INTELLECTUAL or SENSORY IMPAIRMENTS which in interaction with various barriers may hinder their full and effective participation in society on an equal basis with others. So please again WAG MAGING JUDGEMENTAL. Hindi porket hindi naka wheelchair, hindi naka saklay, mukhang malakas pa sa kalabaw, walang obvious na kulang na parte ng katawan eh hindi na PWD. FYI... Hindi din po ganun kadali ang mag apply ng PWD ID dahil kailangan din nila magsubmit ng required docs at isa doon ang medical records to confirm their disability. PWDs chose to use Grab or Uber for their convenience and safety.

    Senior Citizen Discount... Siguro din naman hindi na dapat maging issue eto. Pero tandaan niyo din na may mga seniors na ngaun na hindi mukhang seniors ha. May mga seniors na kala mo nasa 50s lang kaya again WAG MAGING JUDGEMENTAL.

    Bottomline lang kasi dito eh WAG MAGING ASSUMING AT JUDGEMENTAL.

    Accept niyo lang yung trip kahit may mga discount. Sayang ang pinang gas at effort niyo para masundo ang pasahero. If naka discount sila then ASK for their IDs after the trip. Kung ang rider mo or isa sa rider mo at ang ID holder ay iisa then valid ang discount. Kung ang rider mo ay hindi ang ID holder then inform them properly na applicable lang ang discount sa ID holder and that you need to report the trip. Kung hindi makapagpakita ng ID ang pasahero mo it is your call. Dahil malinaw naman na sabi ni Uber ay hingin ang ID for discount.

    Tandaan ang hindi pagbigay ng discount ay may kaukulang penalty o fine ayon sa batas. Sumunod sa batas nang hindi mapahamak at baka yung presyo ng discount na ayaw mong ibigay sa pasahero ay mas lalo lang lumaki at mas lalong maging sakit sa ulo.

    Here are the links for reference:

    http://www.doh.gov.ph/persons-with-disabilities

    http://www.officialgazette.gov.ph/services/pwd/

    http://ltfrb.gov.ph/main/memorandum#sthash.EU367O5B.dpbs

    19511074_10213156584777580_6650107329171494424_n.jpg19437271_10213156586217616_396089593535565301_n.jpg19554059_10213156586457622_798600388009013368_n.jpg19554124_10213156587097638_5102286693711934227_n.jpg



 

or Sign Up to reply!